Total Pageviews

Wednesday, May 4, 2011

IKAW AT AKO - Johnoy Danao



Ikaw at ako pinagtagpo 
Nag-usap ang ating puso 
Nagkasundong magsama habang-buhay 
Nagsumpaan sa Maykapal 
Walang iwanan tag-init o tag-ulan 
Haharapin bawat unos na magdaan 
Sana'y di magmaliw ang patingin 
Kay daling sabihin kay hirap gawin 
Sa mundong walang katiyakan 
Sabay nating gawing kahapon ang bukas
Ikaw at ako pinag-isa 
Tayong dalawa may kanya-kanya 
Sa isa't isa, tayo ay sumasandal 
Bawat hangad kayang abutin 
Sa pangamba'y di paaalipin 
Basta't ikaw, ako , tayo magpakailanman 
Kung minsan ay di ko nababanggit 
Pag-ibig ko'y hindi masukat ng anumang lambing 
At kung magkamali akong ika'y saktan 
Puso mo ba'y handang magpatawad 
Di ko alam Buhay ko'y Umabot man 
Kapit-puso ang gagawin kung mawala ka may kahulugan tuwing ako'y iyong hagkan sa'ting huling hantungan kitang hahayaan, ngayon at kailanman, ikaw at ako



                    


Tuesday, May 3, 2011

What's your favorite scary movie?

   


        The question says it all. We all grew up with the movie. And when I say grew up READ. VHS. Betamax days. And now they decided to make a 4th installment of the movie. Since I've already watched it I'm not gonna spill the whole plot of the story. Who killed who? Who's the killer? No. I won't do that. All I'm gonna write is what I think about the slasher flick. 
       Here goes, I love how the casting of this movie was made they had Aria of Pretty Little Liars, Annie Wilson from 90210, Sookie Stackhouse from True Blood and of course Gossip Girl. In the movie you'd also find Hayden Panettiere, Emma Roberts, Heather Graham and many familiar faces. But of course, how will you make this movie epic? By putting in Gayle (Courtney Cox) Dewey (David Arquette) and the ever young best-effin-damsel in distress survivor Sidney Prescott(Neve Campbell).


        The movie was awesome! Since I couldn't write anything about the movie and I don't wanna spoil it. All I wanna say is that if you grew up with the movie you'd appreciate it. Hands down to Wes Craven and his originality when it comes to these kinds of movies. I love how they did with the movie. It brings back the old days long before those parodies and copycats popped out the movie scene. But there's this line Neve Campbell said "Don't forget the first rule of remakes. Don't fuck with the Original!" Scream will always be Scream. But don't take my word for it. Go. Watch it. I'll be right back.

HECK! I'm Telling the WORLD!


TELLING THE WORLD
Taio Cruz

Every part in my heart I'm giving out
Every song on my lips I'm singing out
Any fear in my soul I'm letting go
And anyone who ask I'll let them know

She's the one, she's the one
I say it loud
She's the one, she's the one
I say it proud

Ring a bell, Ring a bell
For the whole crowd
Ring a bell, Ring a bell

I'm telling the world
That I've found a girl
The one I can live for
The one who deserves

Every part in my heart I'm giving out
Every song on my lips I'm singing out
Any fear in my soul I'm letting go
And anyone who ask I'll let them know

She's the one, she's the one
I say it loud
She's the one, she's the one
I say it proud

Ring a bell, Ring a bell
For the whole crowd
Ring a bell, Ring a bell

I'm telling the world
That I've found a girl
The one I can live for
The one who deserves
To give all my heart
A reason to fly
The one I can live for
A reason for life

Oe oh oe oh
Yeah yeah
Oe oh oe oh
Yeah yeah
Oe oh oe oh
Yeah yeah
Oe oh oe oh

I'm telling the world
That I've found a girl
The one I can live for
The one who deserves
To give all my heart
A reason to fly
The one I can live for
A reason for life

Oe oh oe oh
Yeah yeah
Oe oh oe oh
Yeah yeah
Oe oh oe oh
Yeah yeah
Oe oh oe oh
Yeah yeah


A.M.A.D.O



                   This was made out of the blue by someone very close to me. He promised me he'd finish the poem. I'll wait....:)

Ideal Person or Your Heart?

              


         

            Marami sa'tin nangangarap na magkaroon ng mala Kate-William na love story. Pero parang  you're looking for a needle in a hay stack (OH DIBOH?) Ano nga ba ang hinahanap natin para sa isang partner, dyowa, boyplen, galfpren, asawa, besprend na panghabang buhay? Kaya naisip kong gumawa kaya tayo ng listahan? Siguro sa edad ko at sa mga naranasan ko e may karapatan naman siguro akong magsulat ng ganitong klaseng blog. Kaya magsisimula nako. Teka, kuha muna ako chocolates.


Amback! backpack! Kaya lesdodiz!!!

QUALIFICATIONS NG ISANG DYOWA

1. Mapagmahal - Napakageneral neto pero hello naman? Papano ka magkakaroon ng partner kung hindi siya mapagmahal? Ano ka? Past Time? Ang pagiging mapagmahal ng isang tao ay hindi isang katangian na pwede lang nating hingin sa taong gusto nating makasama. Kung ganun lang kadali yun eh halos siguro lahat ng kafling/kalandian e naging jowa na natin. Yun nga lang maraming ibig sabihin ang pagmamahal. Me pagmamahal na INFATUATION lang na tumatagal lang ng 2-3 buwan. Me pagmamahal sa kung anong meron ang isang tao. (Ex. Pera, Gamit, Comfort) in short USER. Me pagmamahal ding LONGINGNESS na kakabreak lang nung isa eh atat na magkajowa ulit (Ex. REBOUND) Pero eto pinakamatindi, mahal ka ng walang rason, walang hangganan, walang katumbas ang tawag dun ay UNCONDITIONAL LOVE na nakamamatay din minsan. MY TAKE: ang pagmamahal siguro ay depende sa trip natin. Depende sa gaano kalakas ang tama. Ang pagmamahal ay kung gaano mo katanggap ang isang tao kung ano man siya? kung ano man ang napagdaanan nya? kung ano ang nagawa nya nung hindi pa kayo. Dun kayo dapat magsimula, sa pagkakakilanlan. Dun nyo malalaman kung gaano ka mapagmahal ang taong yun. DOWNSIDE: Wag masyadong mag expect ng mapagmahal na tao kasi baka pati kkapitbahay mo o bestfriend mo e mahalin nya din.


2. Understanding - Maunawain sa tagalog. Anong klaseng understanding ang gusto natin? Lahat2 ba? o sa mga bagay lang na gusto mong ipa-intindi sa kanya? Sabi nga ng Ate kong si Lisa Loeb "You say, I only hear what I want to..." in fairness ilang taon kong memoryado ang kantang yan eh last year ko lang sya naintindihan. Me mga taong sadista pagdating sa relasyon na Jumujuday kumbaga in terms of handling issues sa relationship. Eto yung mga taong kahit anong issues kahit kinakain na sila ng hapdi e pipilitin pa ding intindihin kasi MAHAL. Me mga tao namang kung makareact eh parang si Vilma Santos kung magalit (eto yung kahit minumura ka na eh nararamdaman mo pa din na mahal ka). Me mga tao namang Kebs lang or Keri lang usually eto yung mga Jaclyn Jose (Monotone; Walang Emosyon; Sakto lang) pero minsan pagdating sa ganitong mga tao ikaw ang mahihirapan kasi "FEELING KO HINDI NYA KO MAHAL huhuhuhu" EH GAGA! ginusto mo yan eh! MY TAKE: Depende sa'yo kung gaano kaunderstanding na tao ang gusto mo. Kasi hindi nya naman maiintindihan ang isang bagay kung wala ka din pag-unawa. Dito parati nag aaway ang dalawang tao, dahil me MISUNDERSTANDING. Tulad ng nangyayari ke Rhian Ramos at Mo Twister ngayun sa Twitter na nabitin ako. Ika nga nila ang relasyon ay parang cha-cha YOU GIVE AND YOU TAKE not give lang and sya take. Kung gusto mo ng give lang ng give? Maraming batang gutom sa lansangan. Kung gusto mo naman ng take lang ng take eh kumuha ka ng aso, masunurin yun! DOWNSIDE: Huwag masyadong understanding kasi baka akala mo understanding sya yun pala wala lang talaga syang pakialam sa'yo.

3. Respectful - NAKS! Oo naman! eto hindi mawawala (teka tawag ako ng Nanay ko at may nagtext! <3) So ano nga yun? Ayun! Respectful. Parang katulad din sya ng mapagmahal. Hindi sya iniimpose ineearn yan. Magkaroon lang ng respeto sa isa't isa ay magandang foundation na yun ng isang relasyon dun na susunod si TRUST at si CARING. Magkaroon langsigurio ng ganitong ingredients ay pwede na din kayong magshare ng secrets, magkulutan, magmuk-apan. Ang pagiging respectful ay hindi pwedeng pang-isahan lang dapat ikaw din. You also have to make moves and prove to that person na respectable ka nga. Hindi lang sya, dapat ikaw din. MY TAKE: Nabastos na ko ng mga ex ko nun pero ayoko ng isa-isahin pa dahil pilit kong kinakalimutan yun. At kahit ganun din nagpapasalamat din ako kasi mas marami akong natutunan. Marami akong narealize. Me kasalanan din ako kung bakit ako ginaganun pero sisiguraduhin kong hindi ko na mapapagdaanan ulit yun. Kaya kung nagbabalak kang manligaw, swerte mo. hahahaha! DOWNSIDE: Kung maghahanap ng dyowa wag namang masyadong magalang baka hindi ka galawin nyan bahala ka sa buhay mo. hahahahaha! Yun lang....hahahahahaha!


4. Loyal and Faithful - Dito na nagkakatalo-talo ang bawat relasyon. Kung gaano ba ka faithful ang isang partner? Me taong sadyang malandi na nakakahanap lang ng pleasure na maraming nagkakagusto sa kanya. Me mga tao ding hindi lang talaga nakukuntento sa isa. Dun muna tayo sa isa, si Makati Avenue sya yung mahal ka naman nya pero dahil sa daming nagkakagusto sa kanya eh inaakala mo ng ipinagpapalit ka nya. Eto din yung mga taong malakas pa sa bagyong Frank at Ondoy na pinagsama ang ego mahirap to pero kelangan mong magdecide kung ano ba ang gusto mong abutin sa taong ito. Dito naman tayo sa taong hindi nakuntento sa isa lang, in fairness naman sa taong ito me napag daanan syang masaklap siguro nuon kaya ganito sya. Pero malas mo lang kung ikaw ang isa sa mga taong gusto nyang paglaruan. Swerte mo kung nagdecide syang maging loyal sa'yo.  Sabi nga ng taong minahal kong dati "NEVER LOVE A PLAYER" kaya yun nagkabalikan din kami at ganun pa din ang nangyari TANGA.COM.ph. Mahirap talaga maghanap ng taong loyal kaya hindi din masamang umasa at maniwala sa taong mamahalin natin. Pero wag' din sila nating husgahan na hindi sila loyal dahil sa mga nagawa nila nuon. MY TAKE: Loyalty is very crucial in a relationship. May mga standards tayo kung ano ang cheating para sa atin. PERO kung nanloko o niloko ka man ng jowa mo pagisipan mo muna baka ikaw din may diperensya kung bakit nagloko sya. Eto na lang, kung niloko ka? dalawa lang gawin mo it's either tiisin mo at ipaglaban mo sya or umalis ka na lang (PERO WAG BITTER) Umalis ka lang kasi kung nagbibitter-biteran ka? nakakatawa ka lang sa mata ng ex mo. Pasok ka sa kwarto at pakinggan mo ang I WISH I WASN'T ni Kyla o DOIN' JUST FINE ng Boyz II Men. Makakatulong yun! SWEAR! Wag' lang Adele at baka magpakamatay ka.  DOWNSIDE: Nasabi ko na ata ang downside. Kaya good luck sa paghanap sa MR./MS. LOYALTY. :)


      Lahat tayo may kanya-kanyang standards at idealisms in terms of finding "THE RIGHT ONE". Pero me one million question para dyan. If time comes that you have to choose between IDEALISM and LOVE. What will you choose? Which side are you on? Willing ka bang igive up ang puso mo para sa tingin mong perpektong tao? o Willing ka bang masaktan ng dahil sa pag-ibig? Depende lang talaga sa napagdaanan natin yan. Depende kung san tayo kumportable. Pero wag nating kalimutan na mahalin muna ang sarili. Madali lang itong sabihin pero mahirap gawin. Kelangan sarilu muna bago iba hindi sabay. Dahil ayaw mo namang tawagin kang makasarili diba? Kaya sarili na lang muna. And also huwag natin icompromise ang ating totoong sarili para makahanap lang tayo ng "IDEAL PERSON" Maging totoo lang, kung naging totoo ka naman at hindi ka pinaniwalaan eh sa kanya na yun. PERO kung ako sa inyo? Magmamahal ako hangga't ako'y buhay pa. Masasaktan ako, magiging masaya ako, iiyak, tatawa ako dahil sa pag-ibig. Parte yan lahat ng pagmamahal. Ienjoy ang pagmamahalan. Even if it hurts just a little too much...:)





P.S: Lahat ng nasulat ko dito ay base sa mga napagdaanan ko at sa mga experience din ng aking mga hinayupak na mga kaibigan. 




*Credits to Jodolf Ryan Catong for his other hand on the first photo and for his cam. :)

Monday, May 2, 2011

This Is What Dreams Are Made Of...





3:48 na ng umaga hindi pa din ako makatulog. Habang nakahiga ako hindi ko maalis sa isipan ko ang kantang “Dreams Are Made Of” ni Lizzie Magguire. Leche kasing Disney Channel yan wala ng maipalabas. Habang nakahiga ako kanina at pinapanuod si Lizzie kumakanta ay tumulo ang aking luha. Opo iyakin po ako. Sa sobrang iyakin ko pati ang Matrix na action flick ay naiyak ako. Kakaiba ang feeling kapag nakapanuod ako ng mga pangarap na nabubuo at nagkakatotoo. Just thinking about it makes my eyes wet. Ang tanong kung bakit? Siguro dahil pangarap ko mismo hindi ko matupad-tupad. Hence, tears of jealousy sya. Nakakaoverwhelm kasing tignan pag nakuha nila yung pangarap nila. Minsan tinatanong ko sa sarili ko “bakit ako? Bakit ung mga pangarap ko hindi natutupad?” Okay na sana kung me oppurtunity kahit konti kaso wala e. Waley.
      You might be asking kung ano ba talaga ang gusto ko. Simple lang, makasayaw sa harap ng maraming tao at marinig ang masigabong palakpakan at hindi po gay bar ang gusto kong lugar para gawin yun. Magawa ko lang yun pwede nako kunin ni Lord. Kakaiba kasi yung feeling na inaaffirm ka ng mga tao. Nakakaboost ng ego, nakakachallenge, at nakakataba ng puso dahil naaappreciate ng madlang people na YOU’RE ACTUALLY DOING SOMETHING GREAT.
      Nung bata pa kasi ako kapag me bisita, christmas parties kami dito sa bahay o sa kahit saang lugar man kami mapadpad ni Mama parati nya akong binibida sa mga kumare nya at ipapasayaw habang binibigyan ako ng tigbebente ng aking mga Tita dahil aliw na aliw sila sakin. Umabot pa nga ako sa point na nilalandi na ako ng mga matrona sa ballroom dancing sessions ng kapitbahay namin dahil magaling daw akong sumayaw. Nung High School naman ako parati akong wala sa classroom. Parati akong nasa auditorium kaya wala akong masyadong nalalaman nung HS ako kasi puro excuse letters lang to practice ang parating dumarating. Pero sabi nga ng teacher ko noon. “Buti na lang magaling kang sumayaw. Kasi worth it naman yung mga classes na hindi mo pinapasukan” kung makikita kong teacher na yun sasabihin ko talag LOOK AT ME NOW dahil sa sinabi mo!
         Nung college ko naman dapat UP student sana ako kasi my teacher gave me this UPCAT Exam and a letter for recommendation para makapasok ako sa UP Theatre Arts sa Diliman. Excited ako nun kasi Theatre Arts magagawa ko lang umarte at sumayaw graduate nako ng UP. Kaso sabi ng Tatay ko, (TL ako sa’yo) wala daw akong makukuhang pera at magandang stable job sa kursong gusto ko. Kaya nag Nursing ako at hanggang ngayon hirap pa rin ako sa kursong yan. Sa tanang buhay ko sa nursing hindi na ulit ako sumayaw. Kasi feeling ko ‘di ako ganun kagaling.
       Nung nagtrabaho naman ako sa Maynila. Nagkaroon ng pacontest sa kompanya namin. Nung natapos kaming sumayaw lahat ng tao mula sa pinakamataas na position eh puro positive feedbacks ang nakuha ko. Nagboost naman ulit ang ego ni Madox at bumalik ang pangarap nya na magtanghal sa harap ng maraming tao.
         How will I make my dreams come true? I don’t know. Mangyayari ba talaga to? Who knows? If dancing is really for me it’ll happen. If not, then I guess I have to just dream about it. Mangangarap ako hangga’t nabubuhay pako. Mangangarap ako dahil alam kong kaya ko. Naniniwala ako mangyayari ito. Amen. Ako po ulit si Madox. 24. Philippines (OUTRO: Only Girl by Rihanna)

Sinong Inaasahan Mo?

Ang Nagpa-asa at Ang Umaasa.
Bakit ba ko nadidisappoint? Hindi naman dapat kasi nga hindi naman kami. Pero ung totoo? Bakit nadidisappoint ang isang tao?
    1. NAGPAASA - ang tao nga naman…sana kung hindi kaya wag ng gawin. Wag ng sabihin na “CGE.” Or “Gagawin ko” kasi tumataas ang Level of Expectations ng mga umaasa. Minsan naman me “I promise” pang dala. Un ang mas masakit me PROMISE pang kasama. Mas lalo tuloy napapatunayan na PROMISES ARE MADE TO BE BROKEN. These people should walk the talk, not walk lang ng walk kasi nakakasawa na at nakakabingi na ang ganyang ugali. Pero in fairness naman sa mga taong ito they have their own reasons naman kung bakit hindi nagawa. Me mga bagay lang talaga na minsan hindi maiwasang mga kaganapan. Kaya kelangan din silang intindihin. Kasi sa part nila me valid reason naman. PERO hindi lahat valid. Minsan kasi me I make up the story para hindi gawin. Kung hindi kaya. Wag gawin.
     2. UMASA - eto yung mga “ako si _____ kawawa.” Eh kung hindi ka naman pala tanga! Sana hindi ka nlng nakinig. Sabi nga nila dalawa lang ang tao sa mundo ang nang-uuto at ang nauto. Sa tingin mo asan ka? Kung sa mga bagay na umaasa tayong mangyari wag natin idamay ang ibang tao. (Naguluhan ka noh? Ako din. LOL) Eto example: Gusto mong magchat kayo sa YM. Sabi nya OK. Ikaw naman si gaga excited makachat sya. Oras na dumaan hindi kayo nagchat. So anong point ng kwento? Ikaw nag-insinuate na magchat kayo. Hindi sya ang nag-offer. So sino ngayun ang nagpaasa? Eh di ikaw. (Example lang to ha?!hindi to nangyari sakin) Moral lesson of the story? Wag nang mag expect. Let those words of promise pass by your ears not into your hearts and minds.(Epistaxis Ongoing)
      Andaling sabihin at itype diba? Pero mahirap gawin. Lalo na kung attached ka na sa tao. Masakit umasa at magmukhang tanga. Sapat na kaming mga tanga sa mundo wag nyo na po sanang dagdagan. Sa mga NAGPAPAASA mag-isip muna kng kaya ba talagang gawin. Sa mga UMAASA mag-antay lang kung hindi man nangyari ung inaasahan nyo umasa kayo ulit baka me mas maganda pang mangyari. Ika nga nila…Bawal tumawid. Chos lang po. But seriously, ok lang umasa atleast ibig sabihin nun isa ka pa sa mga taong pinapagana ang HOPE. Uulitin ko…kung hindi man nangyari ngayun baka bukas o sa makalawa pwede na. We can’t have everything that we want in this world. But it doesn’t mean we can’t make it happen. My name is Madox. 24. Philippines. (OUTRO: On The Floor - J.Lo)