Total Pageviews

Monday, May 2, 2011

This Is What Dreams Are Made Of...





3:48 na ng umaga hindi pa din ako makatulog. Habang nakahiga ako hindi ko maalis sa isipan ko ang kantang “Dreams Are Made Of” ni Lizzie Magguire. Leche kasing Disney Channel yan wala ng maipalabas. Habang nakahiga ako kanina at pinapanuod si Lizzie kumakanta ay tumulo ang aking luha. Opo iyakin po ako. Sa sobrang iyakin ko pati ang Matrix na action flick ay naiyak ako. Kakaiba ang feeling kapag nakapanuod ako ng mga pangarap na nabubuo at nagkakatotoo. Just thinking about it makes my eyes wet. Ang tanong kung bakit? Siguro dahil pangarap ko mismo hindi ko matupad-tupad. Hence, tears of jealousy sya. Nakakaoverwhelm kasing tignan pag nakuha nila yung pangarap nila. Minsan tinatanong ko sa sarili ko “bakit ako? Bakit ung mga pangarap ko hindi natutupad?” Okay na sana kung me oppurtunity kahit konti kaso wala e. Waley.
      You might be asking kung ano ba talaga ang gusto ko. Simple lang, makasayaw sa harap ng maraming tao at marinig ang masigabong palakpakan at hindi po gay bar ang gusto kong lugar para gawin yun. Magawa ko lang yun pwede nako kunin ni Lord. Kakaiba kasi yung feeling na inaaffirm ka ng mga tao. Nakakaboost ng ego, nakakachallenge, at nakakataba ng puso dahil naaappreciate ng madlang people na YOU’RE ACTUALLY DOING SOMETHING GREAT.
      Nung bata pa kasi ako kapag me bisita, christmas parties kami dito sa bahay o sa kahit saang lugar man kami mapadpad ni Mama parati nya akong binibida sa mga kumare nya at ipapasayaw habang binibigyan ako ng tigbebente ng aking mga Tita dahil aliw na aliw sila sakin. Umabot pa nga ako sa point na nilalandi na ako ng mga matrona sa ballroom dancing sessions ng kapitbahay namin dahil magaling daw akong sumayaw. Nung High School naman ako parati akong wala sa classroom. Parati akong nasa auditorium kaya wala akong masyadong nalalaman nung HS ako kasi puro excuse letters lang to practice ang parating dumarating. Pero sabi nga ng teacher ko noon. “Buti na lang magaling kang sumayaw. Kasi worth it naman yung mga classes na hindi mo pinapasukan” kung makikita kong teacher na yun sasabihin ko talag LOOK AT ME NOW dahil sa sinabi mo!
         Nung college ko naman dapat UP student sana ako kasi my teacher gave me this UPCAT Exam and a letter for recommendation para makapasok ako sa UP Theatre Arts sa Diliman. Excited ako nun kasi Theatre Arts magagawa ko lang umarte at sumayaw graduate nako ng UP. Kaso sabi ng Tatay ko, (TL ako sa’yo) wala daw akong makukuhang pera at magandang stable job sa kursong gusto ko. Kaya nag Nursing ako at hanggang ngayon hirap pa rin ako sa kursong yan. Sa tanang buhay ko sa nursing hindi na ulit ako sumayaw. Kasi feeling ko ‘di ako ganun kagaling.
       Nung nagtrabaho naman ako sa Maynila. Nagkaroon ng pacontest sa kompanya namin. Nung natapos kaming sumayaw lahat ng tao mula sa pinakamataas na position eh puro positive feedbacks ang nakuha ko. Nagboost naman ulit ang ego ni Madox at bumalik ang pangarap nya na magtanghal sa harap ng maraming tao.
         How will I make my dreams come true? I don’t know. Mangyayari ba talaga to? Who knows? If dancing is really for me it’ll happen. If not, then I guess I have to just dream about it. Mangangarap ako hangga’t nabubuhay pako. Mangangarap ako dahil alam kong kaya ko. Naniniwala ako mangyayari ito. Amen. Ako po ulit si Madox. 24. Philippines (OUTRO: Only Girl by Rihanna)

No comments:

Post a Comment