Marami sa'tin nangangarap na magkaroon ng mala Kate-William na love story. Pero parang you're looking for a needle in a hay stack (OH DIBOH?) Ano nga ba ang hinahanap natin para sa isang partner, dyowa, boyplen, galfpren, asawa, besprend na panghabang buhay? Kaya naisip kong gumawa kaya tayo ng listahan? Siguro sa edad ko at sa mga naranasan ko e may karapatan naman siguro akong magsulat ng ganitong klaseng blog. Kaya magsisimula nako. Teka, kuha muna ako chocolates.
Amback! backpack! Kaya lesdodiz!!!
QUALIFICATIONS NG ISANG DYOWA
1. Mapagmahal - Napakageneral neto pero hello naman? Papano ka magkakaroon ng partner kung hindi siya mapagmahal? Ano ka? Past Time? Ang pagiging mapagmahal ng isang tao ay hindi isang katangian na pwede lang nating hingin sa taong gusto nating makasama. Kung ganun lang kadali yun eh halos siguro lahat ng kafling/kalandian e naging jowa na natin. Yun nga lang maraming ibig sabihin ang pagmamahal. Me pagmamahal na INFATUATION lang na tumatagal lang ng 2-3 buwan. Me pagmamahal sa kung anong meron ang isang tao. (Ex. Pera, Gamit, Comfort) in short USER. Me pagmamahal ding LONGINGNESS na kakabreak lang nung isa eh atat na magkajowa ulit (Ex. REBOUND) Pero eto pinakamatindi, mahal ka ng walang rason, walang hangganan, walang katumbas ang tawag dun ay UNCONDITIONAL LOVE na nakamamatay din minsan. MY TAKE: ang pagmamahal siguro ay depende sa trip natin. Depende sa gaano kalakas ang tama. Ang pagmamahal ay kung gaano mo katanggap ang isang tao kung ano man siya? kung ano man ang napagdaanan nya? kung ano ang nagawa nya nung hindi pa kayo. Dun kayo dapat magsimula, sa pagkakakilanlan. Dun nyo malalaman kung gaano ka mapagmahal ang taong yun. DOWNSIDE: Wag masyadong mag expect ng mapagmahal na tao kasi baka pati kkapitbahay mo o bestfriend mo e mahalin nya din.
2. Understanding - Maunawain sa tagalog. Anong klaseng understanding ang gusto natin? Lahat2 ba? o sa mga bagay lang na gusto mong ipa-intindi sa kanya? Sabi nga ng Ate kong si Lisa Loeb "You say, I only hear what I want to..." in fairness ilang taon kong memoryado ang kantang yan eh last year ko lang sya naintindihan. Me mga taong sadista pagdating sa relasyon na Jumujuday kumbaga in terms of handling issues sa relationship. Eto yung mga taong kahit anong issues kahit kinakain na sila ng hapdi e pipilitin pa ding intindihin kasi MAHAL. Me mga tao namang kung makareact eh parang si Vilma Santos kung magalit (eto yung kahit minumura ka na eh nararamdaman mo pa din na mahal ka). Me mga tao namang Kebs lang or Keri lang usually eto yung mga Jaclyn Jose (Monotone; Walang Emosyon; Sakto lang) pero minsan pagdating sa ganitong mga tao ikaw ang mahihirapan kasi "FEELING KO HINDI NYA KO MAHAL huhuhuhu" EH GAGA! ginusto mo yan eh! MY TAKE: Depende sa'yo kung gaano kaunderstanding na tao ang gusto mo. Kasi hindi nya naman maiintindihan ang isang bagay kung wala ka din pag-unawa. Dito parati nag aaway ang dalawang tao, dahil me MISUNDERSTANDING. Tulad ng nangyayari ke Rhian Ramos at Mo Twister ngayun sa Twitter na nabitin ako. Ika nga nila ang relasyon ay parang cha-cha YOU GIVE AND YOU TAKE not give lang and sya take. Kung gusto mo ng give lang ng give? Maraming batang gutom sa lansangan. Kung gusto mo naman ng take lang ng take eh kumuha ka ng aso, masunurin yun! DOWNSIDE: Huwag masyadong understanding kasi baka akala mo understanding sya yun pala wala lang talaga syang pakialam sa'yo.
3. Respectful - NAKS! Oo naman! eto hindi mawawala (teka tawag ako ng Nanay ko at may nagtext! <3) So ano nga yun? Ayun! Respectful. Parang katulad din sya ng mapagmahal. Hindi sya iniimpose ineearn yan. Magkaroon lang ng respeto sa isa't isa ay magandang foundation na yun ng isang relasyon dun na susunod si TRUST at si CARING. Magkaroon langsigurio ng ganitong ingredients ay pwede na din kayong magshare ng secrets, magkulutan, magmuk-apan. Ang pagiging respectful ay hindi pwedeng pang-isahan lang dapat ikaw din. You also have to make moves and prove to that person na respectable ka nga. Hindi lang sya, dapat ikaw din. MY TAKE: Nabastos na ko ng mga ex ko nun pero ayoko ng isa-isahin pa dahil pilit kong kinakalimutan yun. At kahit ganun din nagpapasalamat din ako kasi mas marami akong natutunan. Marami akong narealize. Me kasalanan din ako kung bakit ako ginaganun pero sisiguraduhin kong hindi ko na mapapagdaanan ulit yun. Kaya kung nagbabalak kang manligaw, swerte mo. hahahaha! DOWNSIDE: Kung maghahanap ng dyowa wag namang masyadong magalang baka hindi ka galawin nyan bahala ka sa buhay mo. hahahahaha! Yun lang....hahahahahaha!
4. Loyal and Faithful - Dito na nagkakatalo-talo ang bawat relasyon. Kung gaano ba ka faithful ang isang partner? Me taong sadyang malandi na nakakahanap lang ng pleasure na maraming nagkakagusto sa kanya. Me mga tao ding hindi lang talaga nakukuntento sa isa. Dun muna tayo sa isa, si Makati Avenue sya yung mahal ka naman nya pero dahil sa daming nagkakagusto sa kanya eh inaakala mo ng ipinagpapalit ka nya. Eto din yung mga taong malakas pa sa bagyong Frank at Ondoy na pinagsama ang ego mahirap to pero kelangan mong magdecide kung ano ba ang gusto mong abutin sa taong ito. Dito naman tayo sa taong hindi nakuntento sa isa lang, in fairness naman sa taong ito me napag daanan syang masaklap siguro nuon kaya ganito sya. Pero malas mo lang kung ikaw ang isa sa mga taong gusto nyang paglaruan. Swerte mo kung nagdecide syang maging loyal sa'yo. Sabi nga ng taong minahal kong dati "NEVER LOVE A PLAYER" kaya yun nagkabalikan din kami at ganun pa din ang nangyari TANGA.COM.ph. Mahirap talaga maghanap ng taong loyal kaya hindi din masamang umasa at maniwala sa taong mamahalin natin. Pero wag' din sila nating husgahan na hindi sila loyal dahil sa mga nagawa nila nuon. MY TAKE: Loyalty is very crucial in a relationship. May mga standards tayo kung ano ang cheating para sa atin. PERO kung nanloko o niloko ka man ng jowa mo pagisipan mo muna baka ikaw din may diperensya kung bakit nagloko sya. Eto na lang, kung niloko ka? dalawa lang gawin mo it's either tiisin mo at ipaglaban mo sya or umalis ka na lang (PERO WAG BITTER) Umalis ka lang kasi kung nagbibitter-biteran ka? nakakatawa ka lang sa mata ng ex mo. Pasok ka sa kwarto at pakinggan mo ang I WISH I WASN'T ni Kyla o DOIN' JUST FINE ng Boyz II Men. Makakatulong yun! SWEAR! Wag' lang Adele at baka magpakamatay ka. DOWNSIDE: Nasabi ko na ata ang downside. Kaya good luck sa paghanap sa MR./MS. LOYALTY. :)Lahat tayo may kanya-kanyang standards at idealisms in terms of finding "THE RIGHT ONE". Pero me one million question para dyan. If time comes that you have to choose between IDEALISM and LOVE. What will you choose? Which side are you on? Willing ka bang igive up ang puso mo para sa tingin mong perpektong tao? o Willing ka bang masaktan ng dahil sa pag-ibig? Depende lang talaga sa napagdaanan natin yan. Depende kung san tayo kumportable. Pero wag nating kalimutan na mahalin muna ang sarili. Madali lang itong sabihin pero mahirap gawin. Kelangan sarilu muna bago iba hindi sabay. Dahil ayaw mo namang tawagin kang makasarili diba? Kaya sarili na lang muna. And also huwag natin icompromise ang ating totoong sarili para makahanap lang tayo ng "IDEAL PERSON" Maging totoo lang, kung naging totoo ka naman at hindi ka pinaniwalaan eh sa kanya na yun. PERO kung ako sa inyo? Magmamahal ako hangga't ako'y buhay pa. Masasaktan ako, magiging masaya ako, iiyak, tatawa ako dahil sa pag-ibig. Parte yan lahat ng pagmamahal. Ienjoy ang pagmamahalan. Even if it hurts just a little too much...:)
P.S: Lahat ng nasulat ko dito ay base sa mga napagdaanan ko at sa mga experience din ng aking mga hinayupak na mga kaibigan.
*Credits to Jodolf Ryan Catong for his other hand on the first photo and for his cam. :)
*Credits to Jodolf Ryan Catong for his other hand on the first photo and for his cam. :)

No comments:
Post a Comment